dzme1530.ph

MINIMUM WAGE EARNERS SA METRO MANILA, MAKATATANGGAP NG 85 PESOS NA UMENTO SA SAHOD

Loading

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 85 pesos na umento sa sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila, na pinakamalaking wage hike na inaprubahan ng National Capital Region Wage Board.
 
Ginawa ni Labor Secretary Francis Tolentino ang anunsyo sa isang event sa Malabon Central Market, kung saan sinabi niya na kabuuang 1.1 milyong manggagawa ang inaasahang makikinabang sa wage increase.
 
Inilarawan ni Tolentino ang wage hike bilang “historic” o makasaysayan dahil mula sa 695 pesos ay magiging 780 pesos na ang minimum na arawang sweldo ng mga manggagawa.
 
Ipatutupad ang wage hike sa pamamagitan ng dalawang tranches, na ang una ay 60 pesos na epektibo sa July 19 habang ang karagdagang 25 pesos ay epektibo sa Jan. 20, 2027.

About The Author