dzme1530.ph

WORLD BANK, INAPRUBAHAN ANG 1.02-BILLION DOLLAR LOAN PARA SA ENERGY TRANSITION AT WATER SECURITY

Loading

Inaprubahan ng World Bank ang 1.02 billion dollars na loan para suportahan ang reporma ng Pilipinas na naglalayong bilisan ang clean energy deployment, palakasin ang electricity markets, at pagbutihin ang water management.
 
Inihayag ng World Bank na pinayagan nila ang Second Energy Transition and Climate Resilience Development Policy Loan (DPL) upang makatulong na matugunan ang mataas at pabago-bagong halaga ng elektrisidad sa bansa.
 
Ang DPL ay binubuo ng 1-billion dollar loan mula sa International Bank for Reconstruction and Development (IBRD) at 20 million dollars na performance-based grant mula sa Livable Planet Fund.
 
Sinabi ng multilateral bank na isa ang naturang loan sa largest IBRD operations na inaprubahan ng World Bank Group para suportahan ang development agenda ng Pilipinas.

About The Author