dzme1530.ph

PAGHAHAIN NG ARBITRATION CASE LABAN SA CHINA, PINAG-AARALAN NG GOBYERNO

Loading

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na maghain ng pangalawang arbitration case hinggil sa patuloy na presensya ng Chinese assets sa West Philippine Sea (WPS).
 
Ayon sa maritime expert na si Jay Batongbacal, pinag-aaralan nila, kasama ang mga ahensya ng gobyerno, kung ano pang mga paraan upang madala ang reklamo sa tribunal.
 
Idinagdag ni Batongbacal na kung magsusulong ng international case, dapat ay siguraduhing maipapanalo ito, gaya ng naunang arbitration case ng Pilipinas laban sa China.
 
Ginawa ng maritime expert ang pahayag kasunod ng mga ulat na isang Chinese floating platform, boya at antenna ang namonitor sa Bajo de Masinloc sa loob ng dalawang linggo.

About The Author