dzme1530.ph

Pilipinas, magpapadala ng 1,200-man team sa Cambodia SEA Games

Bubuuhin ng 1,233 indibidwal ang Team Pilipinas na lalahok sa 32nd Southeast Asian Games  sa Cambodia na gaganapin sa May 5 hanggang 17.

Ayon kay Philippine Olympic Committee  (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, kinabibilangan ito ng 905 na mga atleta at 257 na mga opisyal.

Sasalihan aniya ng Filipino athletes ang lahat ng sports sa Cambodia.

Itinakda rin ng POC ang formal send-off Ceremony para sa Team Pilipinas sa April 15 sa Philippine International Convention Center, sa Pasay City.

About The Author