dzme1530.ph

RPG ng construction materials sa Metro Manila noong Pebrero, lalo pang bumagal

Bahagyang bumaba sa 5.4% ang paglago ng retail price ng building materials sa National Capital Region noong Pebrero mula sa 5.5% noong Enero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamababang paglago sa nakalipas na 11 buwan.

Ang growth sa Construction Materials Retail Price Index (CMRPI)  sa Metro Manila noong nakaraang buwan ang pinakamahina simula nang maitala ang 4.8% noong March 2022.

Noong Pebrero ang ika-7 sunod na buwan na bumagal ang paglago ng retail building material prices, makaraang maiulat ang 7% noong Hulyo ng nakaraang taon.

About The Author