![]()
Kinumpiska ng mga awtoridad ang nasa 1,400 na kilo ng mishandled meat products at sampung kilo ng chicken galantina sa joint operation sa Balintawak Market sa Quezon City.
Ang operasyon ay isinagawa ng National Meat Inspection Service (NMIS), katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Nag-isyu ang mga opisyal ng confiscation receipts sa sampung stalls matapos madiskubre ng mga inspektor ang mga paglabag.
Tinaya sa ₱353,600 ang kabuuang halaga ng mga kinumpiskang produkto.
Ayon sa NMIS, makikitang inihahampas sa mga sahig at kung saan-saan lamang iniimbak ang mga karne, na paglabag sa Administrative Order No. 6.
Sa ilalim ng naturang order, nakamandato na ang frozen products ay dapat nakalagay sa freezers at chillers habang mina-maintain ang tamang temperatura, upang maiwasan ang anumang peligro sa kalusugan.
