dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, HINDI APEKTADO SA PAGBULUSOK NG SATISFACTION RATING, AYON SA PALASYO

Loading

Hindi apektado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pinakahuling pagbagsak ng kanyang satisfaction rating.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na tuloy-tuloy lang sa pagta-trabaho ang Pangulo at ang numero ng survey firms ay hindi makakaapekto sa Punong Ehekutibo.
 
Idinagdag ni Castro na very timely ang paglabas ng resulta ng survey dahil maraming isyu na kinasasangkutan ngayon ang Bise Presidente.
 
Sa latest SWS survey, bumulusok sa negative 11 points ang satisfaction rating ni Marcos, kung saan 35% ng mga Pinoy ang kuntento sa performance ng Pangulo habang 46% ang hindi nasisiyahan at 20% naman ang undecided.

About The Author