dzme1530.ph

PRESYO NG GASOLINA, MULING TATAAS; PRESYO NG DIESEL, BABABA

Loading

Muling magtataas ang presyo ng gasolina habang bababa ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Batay sa apat na araw na Mean of Platts Singapore Trading at foreign exchange average, posibleng mag-roll back ng ₱1.80 hanggang ₱2 ang bawat litro ng diesel.

Maaari namang tumaas ng ₱2 hanggang ₱2.20 ang kada litro ng gasolina.

Ang paggalaw ng presyo ay bunsod ng reserve releases at recovering Middle Eastern flows na sinabayan ng nagpapatuloy na security threats.

About The Author