![]()
Nakikipag-ugnayan ang PNP sa foreign authorities para i-verify ang reports tungkol sa magkakahiwalay na shipments ng illegal drugs na nakumpiska sa Laos at Thailand na umano’y dadalhin sa Pilipinas.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na pinag-aaralan ng local authorities ang mga detalye ng napaulat na seizures, kabilang ang pinanggalingan ng shipment, intended destinations, may-ari ng aircraft, at flight plan.
Sa press briefing, inihayag ni Co na ang impormasyon na bound for the Philippines ang mga nasamsam na droga ay claim ng Laotian o Malaysian authorities.
Noong Miyerkules ay iniulat ng South China Morning Post na 521 kilograms ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Laotian authorities mula sa isang private jet at ang droga ay bound for Manila.
