dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, PERSONAL NA NAGTUNGO SA QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

Loading

Personal na nagtungo sa Quezon City Regional Trial Court si Vice President Sara Duterte para sa arraignment ng kanyang kasong grave threats.

Itinakda ang arraignment ng 8:30 kaninang umaga na unang iniskedyul noong September 11 batay sa kahilingan ng kampo ng Bise Presidente.

Nagtungo rin sa lugar ang mga supporters ng Bise Presidente kaya’t naglagay ng steel barricades sa paligid ng QC Hall of Justice.

Ipinuwesto rin ng Quezon City Police District ang mga railings upang pigilan ang mga nagpoprotesta na makalapit sa court buildings.

About The Author