![]()
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na hindi natutulog o naka-bakasyon ang pamahalaan, at sa halip ay tuloy-tuloy ang kanilang trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng taumbayan.
Ginawa ng Pangulo ang pagtiyak sa “Bawat Bayan Makikinabang: Makati City” event, kung saan 23 barangays ang tumanggap ng tig-₱200,000 sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund.
Kalahati ng naturang halaga ay ilalaan sa limang scholars ng bawat barangay.
Samantala, 13,571 families ang tumanggap ng tig-sampung kilo ng bigas sa ilalim ng Local Government Support Funds, na ang distribusyon ay magpapatuloy tuwing ikalawang buwan.
Idinagdag ni Pangulong Marcos na nakikinig ang gobyerno kaya sabihin lamang sa kanila ang mga problema upang masolusyunan.
