dzme1530.ph

WHO, IDINEKLARA ANG EBOLA OUTBREAK SA DR CONGO BILANG INTERNATIONAL EMERGENCY

Loading

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo bilang Public Health Emergency of International Concern.

Sinabi ng ahensya na hindi naabot ng outbreak sa Eastern Ituri Province, na may 246 suspected cases at 80 reported deaths, ang criteria ng pandemic emergency.

Gayunman, nagbabala ang WHO ng posibleng mas malaking outbreak kumpara sa kanilang na-detect at naiulat, dahil sa panganib ng malawakang pagkalat ng virus sa local at regional.

Inihayag ng health agency na ang kasalukuyang strain ng Ebola ay dulot ng Bundibugyo virus, na walang aprubadong gamot o bakuna.

About The Author