dzme1530.ph

GAMING REVENUES, BUMAGSAK NG 15.87% SA UNANG QUARTER NG 2026

Loading

Bumagsak ang Philippine gaming industry ng double-digit sa unang quarter ng 2026.

Sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na kabuuang ₱87.60 billion ang naitalang gross gaming revenues (GGR) simula Enero hanggang Marso.

Mas mababa ito ng 15.78 percent mula sa ₱104.12 billion na kinita sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, ang pagbaba ay bunsod ng huminang performance ng electronic gaming sector dahil sa nabawasang discretionary spending sa gitna ng geopolitical tensions sa Middle East at tumaas na inflation.

About The Author