dzme1530.ph

PANGULONG BONGBONG MARCOS JR., KINUNDENA ANG AMBUSH SA MAGUINDANAO DEL NORTE; MALALIMANG IMBESTIGASYON, IPINAG-UTOS

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalim na imbestigasyon sa pananambang kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdul Raof “Sammy Gambar” Macacua at sa convoy nito noong Sabado.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang utos ng Pangulo ay paigtingin pa ang seguridad sa komunidad sa BARMM, at tiyaking mananagot ang mga nasa likod ng pag-atake.
 
Kasabay nito ay nanawagan si Pangulong Marcos na maging mahinahon at pairalin ang pagiging makatao na may respeto sa karapatan, lalung-lalo na sa buhay ng bawat mamamayan.
 
Mariing kinondena ng Pangulo ang naturang ambush, kasabay ng katiyakan na matutuloy ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa Sept. 14.
 
4:45 p.m. noong Sabado sa Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, inambush ng armadong kalalakihan ang convoy ni Macacua.
 
Pinaulanan ng bala ng mga suspek ang tatlong sasakyan sa convoy, subalit sa kabutihang-palad ay walang nasaktan sa grupo ng BARMM official.

About The Author