![]()
Ibinunyag ni V ng K-pop supergroup na BTS na sumasailalim siya sa gamutan dahil sa hearing problem sa isang tenga.
Batay sa report ng Yonhap Agency, ginawa ng 30-year-old K-pop idol ang pag-amin sa livestream ng fan community platform na Weverse.
Sinabi ni V na 100-percent na nakakarinig ang kanyang kaliwang tenga subalit 30 percent lang sa kanan.
Nagsimula aniya humina ang kanyang pandinig, dalawa’t kalahating taon na ang nakalipas.
Idinagdag ni V na patuloy ang kanyang medication at regular siyang bumibisita sa ospital para sa treatment.
