dzme1530.ph

Panalo ng PH Men’s Ice Hockey Team sa IIHF World Championship, kinilala ni PBBM

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Men’s Ice Hockey Team para sa pagkakamit ng gintong medalya sa 2023 International Ice Hockey Federation Divisional World Championship sa Mongolia.

Pinuri ng Pangulo ang dominanteng ipinamalas ng hockey team na nagtala ng 35 goals sa kompetisyon, at napanatili nito ang goal difference na +29.

Ayon kay Marcos, ang tagumpay ay patunay sa kanilang kakayanan at pagpupursigi.

Mababatid na tinalo ng Pilipinas ang Indonesia, host team Mongolia, at Kuwait upang tanghaling kampyon sa Division 4 ng torneyo.

About The Author