dzme1530.ph

LTO, naka-heightened alert mula March 31 hanggang April 10 para sa nalalapit na Semana Santa

Inanunsyo ng Land Transportation Office na naka-heightened alert ang ahensya mula March 31 hanggang April 10 upang tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at mananakay sa nalalapit na Holy Week at Summer vacation.

Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, magsasagawa sila ng surprise inspection sa mga Terminal at Public Utility Vehicles (PUVs) sa nasabing panahon.

Aniya, babantayan ng ahensya ang mga pangunahing kalsada na patungong North at South sa Metro Manila maging ang strategic locations at terminals sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Samantala, nanawagan si Tugade sa publiko na makiisa at sumunod sa mga batas-trapiko para sa maayos at ligtas na biyahe ng mga ito.

About The Author