dzme1530.ph

PAMAHALAAN, HINIMOK NA MAGPADALA AGAD NG HIGH-LEVEL TEAM SA CZECH REPUBLIC PARA SA PAG-UWI NI ZALDY CO

Loading

Hinimok ni Navotas Cong. Toby Tiangco ang pamahalaan na magpadala agad ng high-level team sa Czech Republic para makipag-negosasyon sa pag-uwi ni Zaldy Co.
 
Napakagandang balita para kay Tiangco ang anunsyo ni PBBM na hawak na ng foreign authorities si Co.
 
Umaasa ito na kapag nakauwi si Co sa Pilipinas, mahaharap na nito nang tama ang kasong corruption at malversation sa graft court.
 
Umaasa naman ang TUCP Party-list na sa pagkakasakote kay Co, simula na rin ito ng “full-blown corruption crackdown at conviction ng mga corrupt personalities.”
 
Panawagan umano ng mga manggagawa, tiyakin ng pamahalaan na gagawin ang lahat ng diplomatic at legal means para mauwi sa lalong madaling panahon si Co.
 
Hindi umano nakakalimutan ng mga manggagawa ang ninakaw na buwis ng mga taong ito, kaya sila ay patuloy na nagbabantay.

About The Author