![]()
Hinimok ni Executive Secretary Ralph Recto ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na i-avail ang 4 billion pesos na halaga ng emergency loans na inaalok ng gobyerno sa gitna ng Middle East crisis.
Sinabi ni Recto na ang loan program ay bahagi ng komprehensibong aid package na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tulungan ang mga Pilipinong naapektuhan ng kasalukuyang global oil shock.
Idinagdag ng Executive Secretary na binuksan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng kanilang Small Business Corp. ang naturang programa para sa distressed MSMEs.
Ayon kay Recto, maaaring ma-avail ng bawat MSME ang easy loan na mula 30,000 pesos hanggang 20 million pesos para ma-manage ang tumataas na logistics costs, cash flow constraints at supply chain disruptions.
