dzme1530.ph

PAGKAKAARESTO KAY ZALDY CO, “A STEP TOWARD JUSTICE”, AYON KAY SPEAKER BOJIE DY

Loading

“A step toward justice” ang balitang pagkakaaresto kay former congressman Elizaldy Zaldy Co.
 
’Yan ang reaksyon ni House Speaker Faustino Bojie Dy III, kasunod ng pagsasapubliko ni Pang. Bongbong Marcos Jr. hinggil sa pagkakasakote ni Co sa Czech Republic.
 
Ayon kay Dy, ang pag-aresto sa dating mambabatas at ang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas ay significant step tungo sa pagpapanagot at hustisya sa sambayanang Pilipino.
 
Malinaw na mensahe rin umano ito sa lahat ng tumatakbo sa kamay ng batas na hindi nila pwedeng takasan ang pananagutan.
 
Ang pangunguna umano ni PBBM sa pagsasapubliko ng Co arrest ay pagpapakita rin na ang administrasyong ito ay determinado na pairalin ang hustisya sa gitna ng corruption allegations sa flood control projects.
 
Sa 2025 SONA pa lang aniya nito sinabi na ng Pangulo na walang puwang ang katiwalian sa kanyang pamumuno.
 
Sa panig ng Kamara, tiniyak ni Dy na habang tinutugunan ang usapin sa korapsyon, tuloy lang sila sa trabaho upang tugunan ang pangangailangan ng ating bansa, lalo na sa epekto ng Middle East crisis.

About The Author