dzme1530.ph

PALASYO, NANAWAGAN KAY SEN. ALAN CAYETANO NA HUWAG UMAKTONG BIKTIMA

Loading

Umapela si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kay Sen. Alan Peter Cayetano na tigilan na nito ang pag-arte na tila biktima.
 
Kasunod ito ng panawagan ng mambabatas kay Sherwin Gatchalian na huwag nitong hayaang gamitin ng Malakanyang ang sarili nito.
 
Sa press briefing, binigyang-diin ni Castro na marami na ang nabiktima ng mga kaganapan sa Senado kamakailan, na aniya ay nangyari sa ilalim ng liderato ni Cayetano bilang Senate President.
 
Resbak ng Palace official, mas mag-ingat ang taumbayan sa mga taong nagkukunwari at nagpapanggap na banal.
 
Nilinaw ni Castro na wala siyang partikular na pinatutungkulan sa kanyang sinabi, subalit wala siyang magagawa kung maaapektuhan nito si Cayetano.

About The Author