![]()
Lumipad ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Quebec para sa shooting ng kanilang upcoming movie na “Remember” sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Sa social media pages ng Star Cinema, ibinahagi ang mga larawan ng celebrity couple bago ang kanilang departure.
Naka-post din sa socmed ng film production ang promotional video kung saan mapapanood ang paghahanda nina Marian at Dingdong para sa kanilang flight.
Sinabi ng aktor na sasabak na naman sila sa isang bagong adventure, isang bagong proyekto, at isang bagong kwento.
Ang pelikulang “Remember” ay isa na namang kolaborasyon sa pagitan ng celebrity couple at ni Cruz-Alviar kasunod ng matagumpay na Metro Manila Film Festival entry noong 2023 na Rewind.
