![]()
Isinumite na ng House Prosecution Panel ang five-page manifestation sa impeachment court.
Mismong si Cheloy Garafil ang nag-submit nito kay Renato Bantug Jr. ganap na 11:15 a.m. kanina.
Sinabi sa manifestation na hindi na kailangang magsumite ng reply sa Answer ng respondent na si Sara Duterte dahil wala naman itong direktang sinagot sa mga alegasyong nakapaloob sa Articles of Impeachment.
Tumuon lamang umano ang nasasakdal sa procedural, jurisdictional, at constitutional objections para ipahinto ang proseso.
