![]()
Binatikos ni Cardinal Pablo Virgilio David ang naunang pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na nagsabing pro-life at bahagi ng human rights campaign ang war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.
Sinabi ni David na mapanganib ang mga pahayag na ganito dahil maaaring gawing normal ang karahasan at palalimin ang culture of death sa lipunan.
Hindi anya maaaring tawaging makatao ang kampanyang nagdulot ng pagkamatay ng libu-libong pinaghihinalaang sangkot sa droga nang walang due process.
Nagbabala rin si David na ang mga salitang tila nagtatanggol sa mga pagpatay ay maaaring magkaroon ng legal na pananagutan sa ilalim ng international na batas.
