DZME1530

Pagpapaliban ng contribution hike ngayong 2023, aprubado na ng Pag-Ibig

Pormal nang inaprubahan ng Pag-Ibig Fund board of trustees ang pagpapaliban ng contribution hike ng ahensya ngayong 2023.

Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, na siya ring chairman ng 11-member Pag-Ibig Fund board of trustees, na inaprubahan nila unanimously ang rekomendasyon ng management na iurong ang pagtataas ng monthly contributions ng kanilang mga miyembro ngayong taon.

Inihayag ni Acuzar na batid nila na marami sa mga miyembro at employers ang nasa gitna pa rin ng pagbangon mula sa financial challenges na dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya.

2019 nang aprubahan ng mga opisyal ng ahensya na itaas ang buwanang kontribusyon ng kanilang mga miyembro makaraang makuha ang pag-sang-ayon ng stakeholders sa pagpapatupad ng planong contribution increase sa 2021.

About The Author