dzme1530.ph

Mag-inang Fil-Am, pinakabagong biktima ng pag-atake sa New York

Isang mag-inang Filipino-American ang pinakabagong biktima ng racially-motivated attack sa Estados Unidos.

Kasama ni Cecille Martinez-Lai ang kanyang 24 anyos na anak nang pagtulungan silang saktan ng tatlong suspects na kinabibilangan ng isang babae at dalawang lalaki sa New York City.

Ayon kay Cecille, kabababa lamang nila ng kanyang anak sa sasakyan nang sigawan sila ng mga suspek na lulan ng puting SUV at tinawag na “Ugly Asians.”

Hindi aniya nila pinansin ang panunukso subalit isa sa mga suspek ang nagsaboy ng tubig sa kanila dahilan para ibato niya rin ang hawak na pagkain sa sasakyan ng mga ito.

Sa CCTV footage na ni-release ng New York Police District, lumabas ng sasakyan ang mga suspek at isa sa kanila ang sumuntok kay Cecille.

Sinabi pa ng ginang na bagaman miyembro ng US marines ang kanyang anak ay pinili nitong huwag lumaban at sa halip ay agad siyang dinaluhan.

Nakita rin sa video na sinubukan pa ng mga suspek na sagasaan ang mga biktima.

About The Author