dzme1530.ph

Judy Ann Santos, ayaw nang magpatali sa anumang network

Inamin ng award-winning actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo na ayaw na niyang matali sa anumang network contract.

Sinabi ng aktres na mas pabor ito sa kanya dahil kailangan din naman niyang ipahinga ang kanyang isip at hindi puro trabaho ang kanyang inaatupag.

2019 nang mag-expire ang kontrata ni Juday sa ABS-CBN, subalit ginawa pa rin niya ang teleserye na “Starla” sa ilalim ng network na ipinalabas sa naturang taon hanggang noong 2020.

Nang tumama aniya ang pandemya, nagpasalamat siya sa kanyang network bosses dahil binigyan siya ng “Paano Kita Mapasasalamatan” project at bilang asawa at ina, kontentong-kontento siya sa kanyang buhay.

Gayunman, bilang artista, inamin ni Juday na nais pa niyang magkaroon ng creative freedom at control sa kanyang personal time.

Ipinaliwanag ng aktres na nais niyang maging in-charge sa kanyang mga proyekto, hindi aniya dahil naging diva na siya, kundi naka-depende na ang kanyang trabaho sa energy na mayroon siya.

About The Author