![]()
Sinuspinde ng administrasyon ng Mapua Malayan Colleges Laguna ang on-site classes ngayong araw na ito dahil sa umano’y security concern.
Sa advisory ng paaralan, ang mga klase na naka-schedule para sa face-to-face classes ay pinag-shift sa synchronous online learning.
Nakikipag-ugnayan na ang school administration sa local law enforcement at emergency personnel na kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Wala pang ibang impormasyon na inilabas ang paaralan hinggil sa pagbabanta.
