dzme1530.ph

DATING HOUSE SPEAKER LORD ALLAN VELASCO AT ASAWA, HINDI PA BUMABALIK SA BANSA AT ISANG BUWAN NANG NASA JAPAN

Loading

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na halos isang buwan nang nasa Japan si dating House Speaker Lord Allan Velasco at asawang si Rowena.

Sa impormasyon ni Remulla, noong August 30 pa umalis ng bansa ang mag-asawa.

Idinagdag ng kalihim na nananatili ang mag-asawa sa pinakamahal at pangmayayamang village sa Japan.

Ayon naman kay NBI Director Melvin Matibag, dapat ay noong September 14 ay bumalik na sa bansa ang mag-asawa subalit hanggang ngayon ay walang record na nakauwi na sila.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng NBI sa pahayag ng dating security aide ni Velasco na si Rodulfo Gracioso Jr. na nag-deliver siya ng cash sa mga miyembro ng Duterte family alinsunod sa atas ng dating House Speaker.

About The Author