![]()
Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magtutungo siya sa France para balaan ang mga awtoridad doon.
Sinabi ni Remulla na ayaw niya na gawing taguan ng mga opisyal ng Pilipinas na nahaharap sa mga kasong katiwalian ang Western European country.
Pinaniniwalaan na si dating Cong. Zaldy Co na nahaharap sa graft case at umano’y central figure sa katiwalian sa flood control projects, ay nasa Paris.
Inihayag ng Ombudsman na papayuhan niya ang French authorities na hindi maganda na magkaroon ng reputasyon na maging “hiding place” ng “ill-gotten wealth.”
Idinagdag ni Remulla na bukod kay Co, nasa France din si Sen. Loren Legarda na iniuugnay naman sa solar projects ng kanyang anak na si Batangas Cong. Leandro Leviste.
