dzme1530.ph

FIL-AM GYMNAST ZACHARY NUNEZ, IKINARARANGAL NA MAGING KINATAWAN NG PILIPINAS SA MAS MALAWAK NA ASIAN GAMES STAGE

Loading

Pinahahalagahan ni Filipino-American gymnast Zachary Nunez ang bawat pagkakataong ibinibigay sa kanya para maging kinatawan ng Pilipinas sa sports na kanyang pinakamamahal.
 
Anim na buwan matapos unang magsuot ng Philippine colors, muling bibitbitin ni Nunez ang watawat ng bansa, subalit sa mas malaking entablado sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
 
Unang ni-represent ni Nunez ang Pilipinas sa 2026 American Cup noong Marso, na sinundan ng 13th Senior Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships noong Hunyo.
 
Target ng New York-based gymnast na ma-improve ang kanyang performance sa Asian Championships, habang ninanamnam ang kanyang pangarap bilang kinatawan ng bansa.

About The Author