dzme1530.ph

FORMER HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, KINASUHAN NA NG PLUNDER SA SANDIGANBAYAN

Loading

Kinumpirma ng Sandiganbayan Judicial Records Division na sinampahan na ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman sina former House Speaker Martin Romualdez at dating Cong. Zaldy Co kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects.

Una nang inihayag ng Ombudsman na mayroon silang apatnapu’t dalawang mga testigo sa kanilang case-building laban kay Romualdez, sa kabila ng pagbawi ni Orly Guteza at iba pang witnesses ng kanilang pahayag na naghatid sila ng male-maletang pera sa mambabatas.

Una nang umapela ang kampo ni Romualdez sa Ombudsman na maging patas at bigyan sila ng pagkakataon na sumagot sa mga paratang laban sa Leyte representative.

Ginawa ni Atty. Ade Fajardo, legal counsel at spokesperson ni Romualdez, ang apela kasunod ng impormasyon na prinessure umano si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan para iugnay ang kanyang kliyente sa flood control scandal.

Humiling din si Fajardo ng impormasyon kaugnay sa sinasabing 28 witnesses ng Ombudsman laban sa kongresista.

About The Author