dzme1530.ph

Oil price hike, epektibo na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay magkakaroon ng dagdag na P1.40 centavos kada litro, habang P0.50 centavos naman ang taas-presyo sa diesel at P0.20 centavos sa kerosene.

Ganitong galaw din sa presyo ng tatlong oil products ang inilarga ng Flying V, Petron at SeaOil kaninang alas-6 ng umaga.

Samantala, epektibo lang sa gasolina at diesel ang ginawang adjustment ng PTT Philippines, Unioil, Phoenix Unioil, Jetti Petroleum at Petrogas.

Habang alas-4:01 pa ng hapon ipatutupad ng kumpaniyang Cleanfuel ang kanilang oil price hike sa presyo ng gasolina at diesel.

About The Author