dzme1530.ph

DESIGNATED TRUCK ROUTES SA ASEAN SUMMIT, INILABAS NG MANILA CITY GOVERNMENT

Loading

Inilabas ng Manila City Government ang designated truck routes na kanilang ipatutupad para sa 2026 ASEAN Summit.
 
Sa advisory ng Manila Public Information Office, ang truck routes ay para sa mga biyahe sa Port Area, President Sergio Osmeña Highway, Manila North Harbor at North Luzon Expressway o NLEX.
 
Sa southbound, mula Port Area hanggang President Sergio Osmeña Highway, maaaring dumaan sa Bonifacio Drive, kakaliwa sa P. Burgos Avenue, Finance Road, diretso sa Ayala Boulevard, kanan sa San Marcelino St., kaliwa sa Pres. Quirino Avenue, kanan sa Osmeña Highway patungo sa destinasyon.
 
Sa mga magmumula naman sa President Quirino Avenue patungong Port Area, maaaring kumanan sa Pres. Quirino Avenue, kaliwa sa UN Avenue, kanan sa Romualdez St., kaliwa sa Ayala Boulevard, Finance Road, kaliwa sa P. Burgos Avenue, kanan sa Bonifacio Drive patungong Pier South.
 
Mula naman sa President Quirino Avenue patungong Manila North Harbor, maaaring kumanan sa Nagtahan, A.H. Lacson Avenue, kanan sa Yuseco Street, diretso sa Raxabago St. hanggang Capulong St., kaliwa sa Road 10 patungong Pier North.
 
Sa mga magmumula naman sa Port Area patungong NLEX, ay maaaring bumiyahe sa northbound ng Road 10, Capulong St. patungong Raxabago St. at Yuseco St., kanan sa Felix Huertas St., kanan sa C-3 Road patungo sa destinasyon.
 
Mula naman sa NLEX patungong Port Area, maaaring dumaan sa A. Bonifacio.

About The Author