dzme1530.ph

SoKor, naghahanap ng seasonal farm workers!

Nangangailangan ng seasonal farm workers na magtatanim at mag-aani ng mga prutas at gulay, kagaya ng mansanas, kamatis at pipino ang bansang South Korea.

Ayon kay Pampanga 4th District Rep. Anna York Bondoc, nalaman niya ang anunsiyo matapos ang naging pagbisita nito kasama ang ilang kongresista sa nasabing bansa.

Mayroon aniyang seasonal workers program ang Korea na maaaring lahukan ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, inihayag din ng Kongresista na nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan niya at Korean National Assembly, na layong mapalakas ang ugnayan ng bansa at SoKor pagdating sa usaping negosyo, turismo at ekonomiya.

About The Author