dzme1530.ph

4 EDCA sites: ”strategic in nature” —DND OIC

Inilarawan ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Carlito Alvez Jr. ang bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites bilang “strategic in nature.”

Sinabi ni Galvez na ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan ay very strategic habang ang Balabac Island sa Palawan ay mahalaga dahil bahagi ito ng Sea Lines of Communications (SLOC) ng bansa at trade route.

Bukod sa dalawang nabanggit, kabilang din sa bagong military facilities na maaring i-access ng US troops ay ang Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan at Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela.

Iginiit ni galvez na ang mga site ay kapwa pinagpasyahan ng Pilipinas at Amerika, kasabay ng pagsasabing sisimulan ang konstruksyon sa mga ito sa lalong madaling panahon.

About The Author