dzme1530.ph

SARAH GERONIMO, IBINAHAGI ANG “LITTLE CHANGE” SA GITNA NG TSISMIS NA SIYA AY BUNTIS

Loading

 

Nagbigay ng update si Sarah Geronimo sa kanyang fans kung saan ibinahagi niya ang litrato na may shorter hairdo para salubungin ang buwan ng Nobyembre.

Sa gitna ito ng pananahimik pa rin ng actress-singer sa isyu na buntis na siya sa panganay nila ng mister na si Matteo Guidicelli.

Flinex ni Sarah ang kanyang hairstyle sa pamamagitan ng kanyang social media pages noong nakaraang Huwebes.

Nilagyan niya ito ng caption na “Hello, November! A little change to welcome the new month.”

Sa comments section, ilang fans ang nakapansin sa umano’y pagbabago sa facial features ni Sarah, na sinang-ayunan ng netizens na tila nagkukumpirmang buntis ito.

Hindi naman agad nagkomento ang Popstar Royalty sa naturang isyu.

 

About The Author