![]()
Ipinagpapatuloy na ang construction ng Unified Grand Central Station (UGCS) sa Quezon City para sa layuning maging operational ang na-delay na transport hub pagsapit ng March 2028.
Inanunsyo ni DOTr Secretary Vince Dizon ang pagpapatuloy ng konstruksyon, kasabay ng kanyang pag-iinspeksyon sa proyekto.
Sinabi ni Dizon na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapusin na ito “once and for all,” para magamit na ng publiko “after 20 years.”
Nagsimulang planuhin ang UGCS noong 2007 habang inumpisahan ang konstruksyon nito noong 2019, subalit nahinto ito noong 2024 bunsod ng mga problema sa dating contractor.
Ang UGCS ay isang common station na mag-uugnay sa MRT-3, LRT-1, MRT-7, at sa EDSA Busway.
