![]()
Nangako ang Japan ng 4.3 billion yen o tinatayang ₱1.7 billion na security assistance sa Pilipinas.
Kabilang dito ang pagbibigay ng coastal radar system para sa Philippine Navy at unarmed aerial vehicles (UAVs) para sa Philippine Air Force.
Isinapormal ang kasunduan sa pamamagitan ng Signing and Exchange of Notes sa pagitan nina Japanese Ambassador to the Philippines Katsuro Kitagawa at Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro.
Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan, ang assistance ay bahagi ng kanilang Fiscal Year 2026 Official Security Assistance (OSA) Program.
Ang naturang assistance ay inaasahang magpapalakas sa maritime domain awareness and surveillance capabilities ng AFP, partikular ang pagbabantay sa strategic maritime areas.
