dzme1530.ph

SAPAT NA SUPPLY NG KURYENTE SA ASEAN SUMMIT, TINIYAK NG MERALCO

Loading

Tiniyak ng Meralco sa kanilang customers na sapat ang supply ng kuryente para sa inaasahang demand sa 49th ASEAN Summit sa Maynila.

Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na nakumpleto na nila ang inspection at validation sa venues na gagamitin sa pag-host ng world leaders na darating sa bansa para sa ASEAN Summit, upang maiwasan ang anumang power emergencies.

Tiniyak ng power utility ang kahandaan ng kanilang mga pasilidad upang hindi magka-aberya ang kanilang serbisyo dahil batid nila kung gaano ka-kritikal ang kuryente sa ganitong malalaking events.

Idinagdag ni Zaldarriaga na nakikipag-ugnayan sila sa Task on Energy Resiliency ng Department of Energy, National Grid Corporation of the Philippines, at National Intelligence Coordinating Agency.

Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng ASEAN Summit sa susunod na linggo kung saan inaasahan ang pagdalo ng iba’t ibang leaders, gaya nina US President Donald Trump at Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva.

 

About The Author