![]()
TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi magkakaroon ng confidential at intelligence fund ang mga non-enforcement agencies ng gobyerno upang maiwasan ang posibleng pag-abuso sa paggamit ng pondo.
Sinabi ni Gatchalian na bilang pagsunod sa patakaran, ang dapat lamang mabigyan ng confidential at intelligence fund ay ang mga may kinalaman sa law enforcement.
Partikular na tiniyak ng Senate leader na hindi na mauulit na magkaroon ng confidential fund sa Office of the Vice President at maging sa Department of Education.
Ipinagtanggol naman ni Gatchalian ang confidential at intelligence fund sa ilalim ng Office of the President.
Sinabi ni Gatchalian na mayroong civilian at enforcement authority sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo tulad ng Presidential Anti-Organized Crime na bumuwag sa mga POGO at ang Presidential Anti-Corruption arm na kumukuha ng mga impormasyon kaugnay sa katiwalian.
