dzme1530.ph

MGA AHENSYA NG GOBYERNO SA METRO MANILA AT ILANG LALAWIGAN, INATASANG MAGPATUPAD NG ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT; KLASE SA LAHAT NG ANTAS, SUSPENDIDO

Loading

Epektibo alas-dose ng tanghali ngayong araw na ito, magpapatupad ng alternative work arrangements ang mga tanggapan ng gobyerno bunsod ng malakas na buhos ng ulan.
 
Ipatutupad din ang alternative learning mode sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
 
Alinsunod ito sa Memorandum Circular 127 na pirmado ni Acting Executive Secretary Ralph Recto.
 
Saklaw ng direktiba ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon at Occidental Mindoro.
 
Binigyang-diin naman sa direktiba na mananatili ang serbisyo ng mga ahensyang sangkot sa basic at health services, paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad at para sa vital services.

About The Author