dzme1530.ph

NCRPO, TINIYAK NA HANDANG TUMUGON SA ANUMANG KAGANAPAN SA METRO MANILA

Loading

May threat man o wala, palagiang nakahanda ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pagbabantay sa seguridad sa buong Metro Manila.
 
Sa kanyang pag-ikot sa paligid ng Senado kanina, sinabi ni NCRPO Director, Police Major General Anthony Aberin na palagiang nakahanda ang kanilang pwersa na tumugon sa bawat sitwasyon.
 
Ipinaliwanag ni Aberin na dumedepende rin sa kanilang assessment sa bawat kaganapan ang deployment ng kanilang mga tauhan.
 
Tiniyak din ni Aberin na maximum tolerance ang kanilang paiiralin sa pagharap sa mga kilos-protesta lalo na kasabay ng Independence Day, bukas.
 
Simula rin anya alas-5 ng hapon ngayong araw ay ilalagay na nila sa full alert status ang kanilang pwersa.

About The Author