![]()
Sa gitna ng isyu sa security threat sa Senado, hinack ng nagpakilalang NullSec Philippines ang official website ng Senate of the Philippines.
Sa kanilang mensahe, iginiit ng hackers na nagbabantay sila sa bawat kaganapan.
Binigyang-diin na ipinagkatiwala ng taumbayan sa mga senador ang kapangyarihan, responsibilidad at tungkulin na maglingkod sa sambayanan at hindi dapat pairalin ang personal na interes, political dynasties o corrupt networks.
Bawat piso anila na nawawala sa katiwalian ay katumbas ng pagkaing ipinagkakait sa pamilyang Pilipino o classroom na hindi natatapos at nawawalang kinabukasan.
Iginiit pa ng grupo na hindi opsyonal ang transparency, hindi negotiable ang accountability at hindi pananggalang ang public office sa mga kritisismo.
Hinimok din nila ang mga naglilingkod nang may integridad na ipagpatuloy ang kanilang trabaho habang binalaan ang mga abusado sa tiwala ng publiko na nagbabantay ang taumbayan.
Tinapos nila ang mensahe sa linyang “We do not forgive, we do not forget. Expect us.”
