![]()
Ipinag-utos ng Metropolitan Manila Development Authority ang pag-tow sa mga sasakyang ilegal na nakapark sa kahabaan ng EDSA sa gitna ng biglaang rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa People Power Monument.
Sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III, nakipag-ugnayan sila sa mga law enforcement at iba pang ahensya ng gobyerno para sa deployment ng mga tauhan, barriers at towing equipment upang i-clear ang mga apektadong lanes at mabawasan ang abala sa mga motorista.
Samantala, sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Torre na pinagamit na nila ang bus lane sa ibang mga motorista na naabala sa biglaang pagkilos na ito.
