![]()
BINANATAN ni Senador Panfilo Lacson ang bintang ni Senador Rodante Marcoleta na may kaugnayan siya sa nakaambang pag-aresto sa kanya at ang kasong plunder.
Tinawag ni Lacson na gas lighting o pagpapasa ng sisi ang pahayag ni Marcoleta na matagal nang planado ang kasong isinampa laban sa kanya.
Binanggit din ni Marcoleta ang naging pahayag ni Lacson ilang linggo na ang nakalipas na maaaring maaresto at makulong ang siyam na iba pang senador.
Sinabi ni Lacson na hypothetical statement ang kanyang naging pahayag hinggil saa posibleng pagkakulong ng siyam na senador sa pagtukoy sa base number sa pag-compute ng constitutional requirement na 2/3 vote ng lahat ng senador sa impeachment trial.
Nagpahayag noon si Lacson ng pangamba na maaaring kailanganing mamagitan ang Korte Suprema upang tugunan ang posibleng “absurdity” na mauwi sa isang pormalidad na lamang para sa acquittal ang Impeachment Court kung sakaling hindi bababa sa siyam sa 24 na senator-judges ang hypothetical na makulong at masuspinde, gaya ng nangyari noon kay Sen. Jose “Jinggoy” Estrada.
