dzme1530.ph

DALAWANG INDIBIDWAL, INARESTO; PULIS, SUGATAN SA GIRIAN SA RALLY NG IGLESIA NI CRISTO SA EDSA PEOPLE POWER MONUMENT

Loading

Dalawang indibidwal ang inaresto habang isang pulis ang isinugod sa pagamutan sa naganap na girian sa pagitan ng mga awtoridad at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na nagsasagawa ng kilos protesta sa EDSA People Power Monument.
 
Ito ay nang makipagtulakan ang mga raliyista na ang iba ay nanuntok pa umano ng mga pulis sa pagpupumilit nilang gumitna sa kalsada at harangin ang daloy ng trapiko.
 
Ayon kay NCRPO Director, Major General Anthony Aberin, kasama sa kanilang inaresto ang driver ng bus na humarang sa kalsada at ang isa pang indibidwal na nanapak ng pulis.
 
Sinabi ni Aberin na nahagip ng bus ang isang pulis at natumba kaya’t agad dinala sa ospital.
 
Samantala, kinumpirma ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na walang valid permit ang kilos protesta.
 
Wala rin anyang koordinasyon sa mga awtoridad ang ginawang aktibidad.

About The Author