![]()
Walang nakitang problema ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa pagsisimula ng implementasyon ng service contracting program.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, nilinaw ni LTFRB Board Member Atty. Greg Pua Jr. na sinimulan ang programa nitong April 15 sa bus carousel pa lamang at ngayong araw pa lang uumpisahan ang mga pampasaherong jeep.
Samantala, inamin ni Pua na hanggang sa ngayon ay isinaayos pa nila ang listahan ng mga PUV drivers na ginagawang batayan para sa iba’t ibang ayuda programs.
Ipinaliwanag ni Pua na sa mga nakalipas na panahon kasi mga operator ang nakasama sa talaan at ito ang unang pagkakataon na ididiretso sa mga driver ang ayuda.
