dzme1530.ph

Mga kandidatong lalabag sa batas, hulihin —Cong. Tambunting

Ikinalugod ni Parañaque City 2nd Representative Gus Tambunting ang maiksing panahon ng pangangampanya matapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Sa panayam ng DZME1530, iginiit ni Cong. Tambunting na nakabubuti ito upang maiwasan o mabawasan ang giriian sa pagitan ng mga kakandidato.

Hinimok naman ni Cong. Tambunting ang Comelec na bantayan ng maigi ang mga tatakbo at hulihin ang mga lumalabag sa batas na kanilang ipinatupad.

About The Author