![]()
Posibleng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya sa galaw ng presyo gamit ang Mean of Platts Singapore, posibleng madagdagan ng 3.75 hanggang 4.25 pesos ang presyo ng bawat litro ng diesel habang 2.50 hanggang 3 pesos sa kada litro ng gasolina.
Bunsod ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto sa world market makaraang lumabo ang posibilidad na matatapos na ang tensyon sa pagitan ng US at Iran.
Iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang pagbabago sa kanilang presyo tuwing Lunes at ipinatutupad kinabukasan.
